--MONEY MATTERS. After Escudero's speech, rumors were robust that he resigned from NPC because of money. An NPC member, who asked not to be identified, said Danding Cojuangco will only provide up to P200 million for Escudero's presidential campaign. Campaign analysts say a nationwide campaign needs at least P2 billion funding to succeed.--
Huwaaaaaat??? ganun kalaki? 2Billion? sa 200 Milyon nga naloka nako eh sa Billiones pa? teka lang naman! teka lang naman!!!!! magkanu ba ang sweldo nila sa isang buwan???? eh malaki pa yata ang kinikita ng artista eh... correct me if I'm wrong ha.. alam ko nasa 50-60 thousand pesos ang sweldo ng Presidente sa isang buwan.. at sa senador eh nasa 30k up yata... im not sure pero around that average yata.. oh diba ganun lang pala... eh yung 50k nayan isang sampa lang ng artista sa raket nya sa fiesta... hindi pa kasama ang mga shows sa TV no! karet lang yun.. so kung ganun ka liit ang sweldo nila sa gobyerno bakit ganun kalaki ang inilalabas nilang pera sa PANGANGAMPANYA?????? hmmmm ayan na! mukhang iraraket din nila para mabawi? lol naku wag namang ganun! bad yan bad yan... kakalerki naman.. so saan pa? i hate to say this no,,, pero KUKURAKUTIN Nyo Ba 'yon pag Naka Upo na kayo???? panu nyo babawiin ang ginastos nyo? san nyo kukunin? sa kaban ng BAYAN? ay nakoooooo.... nagtatanong lang naman po ako noh! wag naman Guilty agad! ang hirap lang kasing paniwalaan ng mga katagang, kaya nais manungkulan eh para makapag lingkod sa kapwa... magpapatayan at magsisiraan makuha lang ang posisyong minimithi... ang laki ng perang gagastusin mo para maupo tapos sweldo mo katiting lang??? sinong niloko mo?,, may nabasa nga din akong article (wag na nating bangitin kung sino sya.. basta clue Celebrity, matinee Idol) tinanong sya kung tatakbo ba sya? ang sagot nya.. "Yes I will run, But I will not Campaign" oh taray diba? ksi nga naman kung mangangampanya sya gagastos sya ng malaking halaga and then next, what???? babawin mo pag naka upo kana? no no no no no!
heheheh pwede kaya yun? tatakbo ka pero dika mangangampanya? Pwede! kung sino man yan sya dapat ang iboto, kasi sure kang walang kurakot! lol... may isa pang article sa PEP post kolang ulit..
--A top official of a former senatorial candidate told PEP that business tycoons usually fund the campaign of not one but several candidates for top positions in the government, "just to be sure." "Pero siyempre mas malaki dun sa manok nila," the source added.--
Ganun?? so may kapalit syempre, alangan gastusan kita ng waley naman ako mapapala diba? hahaha oo nga naman, scary palang lumapit sa mga negosyante para humingi ng tulong sa kampanya... dahil pag naka upo kana, for sure may UTANG NA LOOB ka sa kanila.. in return you need to support them... business wise.. eh kung monkey business? support padin? ahahha ganun nanga! kaya nakaka takot iboto yung mga taong gagastos ng BONGANG BONGA sa kampanya... kasi nga.. ALAM MONA!
May 2010 eleksyon na sa pinas.. obviously i cant vote, so nasa inyong mga kamay ang PAGBABAGO... Vote Wisely ika nga... kilalaning maigi kung sino ang iboboto nyo!.. because your vote counts... para walang sisihan sa bandang huli... naku baka naman after may maupong bagong presidente eh di lilipas ng ilang taon... nasa edsa nanaman tayo at pinapa baba sya sa pwesto... hahahha dina natapos ang EDSA nayan.. naka ilang edsa naba? parang Shake Rattle N Roll ng Regal taon taon meron, isama na ang MANO PO .. lol,,, Hindi na magkaka EDSA repeat kung ihahalal nyo ang karapat dapat... Ang Tanong... Eh sino nga ba? Ikaw...
Sinong Iboboto mo??????
-xoxo-
Ms.Chee